DZME1530

Malakanyang, nag-deklara ng holidays sa iba’t ibang lugar para sa Marso, Abril, at Mayo

Nag-deklara ang Malakanyang ng holidays sa iba’t ibang lugar para sa buwan ng Marso, Abril, at Mayo.

Inanunsyo sa Facebook page ng Official Gazette of the Philippines ang special non-working day sa Passi City, Iloilo sa March 14, 2023, para sa founding anniversary ng component city.

Idineklara rin ang special non-working day sa Tabaco City, Albay sa March 24 para sa ika-22 founding anniversary ng lungsod.

Special non-working day din ang idineklara sa bayan ng Pinamalayan sa Oriental Mindoro sa Abril 25 para sa selebrasyon ng Bahaghari Festival, habang sa Mayo 2 ang special non-working day sa Bauan, Batangas para sa Sublian Festival.

About The Author