![]()
Nanindigan ang Malacañang na si Vice President Sara Duterte mismo ang sumisira sa kanyang sarili at hindi ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kasunod ng pahayag ni VP Sara na ang mga paninira sa kanya ay pakana ng administrasyon, kabilang ang natanggap niya umanong pera mula sa China.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na wala nang mahanap na depensa si VP Sara kaya itinuturo na ang administrasyon upang makaligtas sa mga isyu laban sa kanya.
Binigyang-diin ni Castro na kung marunong lang magpaliwanag ang Bise Presidente at kung may kakayahan ito na ibigay ang panig sa mga alegasyon sa kanya ay hindi na sana nakarating ang isyu sa Impeachment Court.
Ipinaalala ng opisyal na hanggang ngayon ay walang opisyal na pahayag si VP Sara na kumokontra sa mga alegasyon laban sa kanya at hindi rin humaharap sa patawag ng mga mambabatas.
