dzme1530.ph

KILL THREAT VIDEO NI VP SARA, PINAKAMALAKAS NA EBIDENSYA SA IMPEACHMENT, AYON KAY CONG. LORENZ DEFENSOR

Loading

Kumbinsido si Iloilo Rep. at House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ang kill threat video ni VP Sara Duterte ang pinakamalakas na ebidensya sa impeachment.

Ang video na authenticated ng NBI bilang genuine at original ay kabilang sa ebidensya na inilabas sa pagdinig ng Justice panel.

Sa video, mismong si VP Sara ang nagsasalita in public, galit na galit, at sinabi na may kinausap na siyang assassin para patayin si PBBM, FL Liza Araneta Marcos, at former Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kanya.

Ito anya ay hindi lang simpleng grave threat sa Pangulo, kundi betrayal of public trust at high crime.

Sa testimonya ng NBI officials noong April 29 sa Justice panel, pinatunayan nilang “authentic, unaltered, at hindi AI-generated” ang video noong November 23, 2024.

Dagdag pa ni Defensor, ang isyu ng bank transactions at ang SALN nito ay mas lalong lumakas dahil nanatili itong tahimik at hindi sinagot ang mga alegasyon.

About The Author