dzme1530.ph

Makabuluhan, payapa, at mapagpalang Holy Week para sa lahat, hiling ni HS Romualdez

Loading

Inanyayahan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino, na magnilay ngayong Semana Santa.

Ayon kay Romualdez, gaya ni Hesukristo na inialay ang buhay sa pagtubos sa kasalanan ng sanlibutan, dapat nating alalahanin na ang tunay na lakas ay nagsisimula sa sakripisyo, ang paghilom ay nagsisimula sa pagpapatawad, habang ang pananampalataya ay nagbibigay ng pag-asa.

Sa mga public servant, ang Holy Week ayon kay Romualdez ay pagkakataon para magnilay-nilay at bumalik sa kanilang calling.

Sa kwento umano ng ating Panginoong Jesus, ay maaari nating makita ang ating sarili.

Umaasa ang House leader na ngayong sagradong linggo, manumbalik nawa ang kapayapaan, lakas at pagkalinga sa lahat.

Bilang lider ng 300-plus House members, ipinagdarasal ni Romualdez ang isang makabuluhan, mapayapa, at mapagpalang Holy Week sa lahat.

About The Author