![]()
Aabot sa mahigit isanlibong kilo ng undocumented at improperly handled meat products ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa operasyon sa public markets sa Gapan City at Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabuuang 1,019.6 kilos ang kinumpiskang produkto na tinayang nagkakahalaga ng ₱203,928.
Kabilang sa mga nasamsam na produkto ay undocumented frozen meat, improperly handled frozen thawed and chilled meat, hot meat, at mga produktong hindi ligtas kainin.
Binigyang-diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang food security ay higit pa sa paglalagay ng pagkain sa hapag-kainan.
Ang ibig sabihin aniya nito ay pagtiyak na ligtas ang mga produktong nakakarating sa mga pamilyang Pilipino.
