dzme1530.ph

Mahigit 70k proyekto, ipatutupad ng DPWH ngayong taon

Mahigit 70,000 proyekto ang ipatutupad ng Dept. of Public Works and Highways ngayong taon.

Sa Press Briefing sa Malacañang, inihayag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na mahigit P890-B ang inilaan sa mga proyekto kabilang ang major at local projects.

Ilan sa mga tinukoy na proyekto ay ang flood-mitigation projects sa Cagayan de Oro, Road Projects sa conflict areas sa Mindanao, Central Luzon Link Project mula Tarlac hanggang Cabanatuan, at Samar Pacific Coastal Road.

Kasama rin ang anim na bagong tulay sa Pasig River, mga gusali para sa National Kidney Transplant Institute, Philippine General Hospital, Pediatric and Adult Specialty Center, Philippine Children’s Medical Center, at Philippine Cancer Center.

Itatayo rin ang farm-to-market roads, classrooms, mga kalsada sa tourist destinations, at production areas katuwang ang Dept. of Trade and Industry.

About The Author