dzme1530.ph

INFLATION RATE NGAYONG BUWAN, TINAYA SA 5.6. HANGANG 6.6 PERCENT

Loading

Posibleng umabot sa 5.6 hanggang 6.6 percent ang inflation rate ngayong buwan ng Hulyo.
 
Ito ay batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa gitna ng mas mataas na presyo ng produktong petrolyo, kuryente, at isda.
 
Ayon sa BSP, binabalanse rin ito ng mas mababang presyo ng iba pang food commodities, kabilang na ang karne, gulay, bigas, at prutas.
 
Inaasahang ilalabas ng pamahalaan ang inflation rate para sa Hulyo sa August 5.

About The Author