![]()
Nasa kamay ng House Prosecution Panel ang paglalatag ng mga bank at tax records ni Vice President Sara Duterte na nasa pangangalaga na ng impeachment court.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na bagama’t nasa korte na ang mga dokumento ay wala silang kapangyarihang agad itong suriin at ilantad sa publiko.
Kinumpirma naman ni Tongol na dahil pinagbigyan ng Pangulo ang pagsusumite ng tax records ng Bise Presidente ay maituturing na itong bukas sa magkabilang panig para busisiin.
Matatandaang pinabalik ng impeachment court sa BIR ang selyadong kahon na naglalaman ng tax records ni VP Sara dahil sa posibleng paglabag sa National Internal Revenue Code.
