![]()
Lumobo na sa ₱19.07 trillion ang utang ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.
Ito ay ayon sa Bureau of the Treasury na mas mataas sa target na ₱19.06 trillion sa pagtatapos ng buong taon ng 2026.
Mas mataas din ito ng 2.8% kumpara noong Mayo 2026 at 10.4% kumpara noong nakaraang taon.
Sa tala, mula Enero, nadagdagan na ang utang ng bansa ng halos ₱1.4 trillion o 7.7% dahil sa patuloy na pangungutang upang pondohan ang kakulangan sa budget at iba pang programa ng gobyerno.
Kabilang sa utang ang P12.84 trillion na domestic debt na mas mataas ng 2.7 percent kumpara noong Mayo.
