dzme1530.ph

Malacañang, nagpaalala kaugnay ng long weekend sa Abril

Nagpaalala ang Malacañang sa paparating na long weekend sa Abril kaugnay ng holidays sa Semana Santa at sa Araw ng Kagitingan.

Alinsunod sa Proclamation no. 90 na inilabas noong nakaraang taon, deklaradong regular holidays ang Abril 6, Maundy Thursday, at Abril 7, Good Friday.

Special non-working day naman ang Abril 8, at Black Saturday.

Bukod dito, iniurong din sa Abril 10, araw ng Lunes mula sa Abril 9, araw ng linggo ang regular holiday para sa Araw ng Kagitingan.

Hinikayat ng palasyo ang publiko na gamitin ang pagkakataon para magbigay-oras sa mga mahal sa buhay habang nananatiling responsable sa pagsunod sa health and safety protocols.

About The Author