dzme1530.ph

Mahigit 500 aplikasyon mula sa mga dating rebelde, natanggap ng National Amnesty Commission

Umabot na sa kabuuang 578 aplikasyon mula sa mga dating rebelde ang tinanggap ng National Amnesty Commission (NAC).

Sa naturang bilang, as of July 12, 497 ay dating mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Samantala, dalawang aplikante naman ang mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army / Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

33 dating rebelde ang mula naman sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang 46 na iba pa mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Inihayag ng NAC na ngayong mas marami na ang naitatag na Local Amnesty Boards sa mga accessible na lungsod o probinsya, mas mahihikayat ang mga rebelde na talikuran na ang armadong pakikibaka at magbalik loob sa pamahalaan upang makapagsimula ng normal na pamumuhay.

About The Author