dzme1530.ph

Mahigit 400 policewomen ng NCRPO, itinalagang desk officer

Tuluyan na ngang itinalaga ang mga babaeng pulis bilang desk officer na dating trabaho ng mga barakong pulis sa National Capital Region Police Office.

Tatawagin sila ngayon Customer Relations Officer, na syang haharap sa mga complainant at magtatala ng mga blotters sa istasyon.

Ayon kay NCRPO chief PMGen. Edgar Alan Okubo, na sumailalim ang 466 na policewomen sa 2-day training program para maging pamilyar sila sa trabaho.

Nangyari ito, para tugunan ang mga reklamo sa hindi magandang asal ng mga desk officer na lalaki na  nakita sa mga pa CCTV.

Matatandaang, sinang-ayunin din ito ng ilang mambabatas dahil naniniwala silang mas mapapaayos ang serbisyo sa publiko.

About The Author