![]()
May panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Martes.
Umabot sa ₱2.21 ang itinaas sa kada litro ng gasolina, habang ₱2.66 naman sa diesel.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na tumaas ang presyo ng gasolina.
Samantala, may rollback naman sa presyo ng kerosene na ₱3.53 kada litro.
Una nang tinaya ni Energy Secretary Sharon Garin ang price hikes ngayong linggo, bunsod ng paghina ng piso na sumadsad sa intraday low na ₱61.75 kada dolyar noong Huwebes at nagsara sa record low na ₱61.56 noong Miyerkules.
