dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NAMAHAGI NG TULONG SA GEN. TRIAS CITY; BAGONG PGH FACILITY, PLANONG ITAYO SA CAVITE

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa General Trias, Cavite, kasabay ng pag-aanunsyo sa planong palawakin ang healthcare access sa lalawigan sa pamamagitan ng bagong pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH).

Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ni Marcos na ang distribusyon ng tulong pinansyal at bigas ay upang pagtibayin ang suporta ng gobyerno sa mga komunidad sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo at bilihin.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ng pondo ang local government units (LGUs) mula sa Local Government Support Fund, sa kondisyon na bibigyan nila ng rice assistance ang mga nangangailangang residente.

Inihayag ng Pangulo na kada buwan ay may sampung kilong bigas ang mga residente upang matiyak ang supply sa pagkain ng mga Pilipino.

Inanunsyo rin ng Chief Executive ang plano para sa bagong PGH facility sa Carmona, Cavite, na inaasahang magpapabuti sa access ng publiko sa healthcare services sa lumalaking lalawigan.

Batay anya sa impormasyon mula kay Interior Secretary Jonvic Remulla na dating gobernador sa Cavite, isasagawa ang groundbreaking ngayong Mayo.

About The Author