![]()
Mahigit 111,000 na mga pulis ang ide-deploy para bantayan ang seguridad sa buong bansa sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nov. 1 at 2.
Sa statement ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ng ahensya na hihigpitan ng PNP ang seguridad sa mga sementeryo at iba pang mataong lugar.
Ayon sa PNP Acting Executive Officer-Directorate for Operations, magpapakalat sila ng 11,582 police personnel sa 5,628 cemeteries at columbaria.
Ang deployment ngayong taon ay doble ng police mobilization noong nakaraang Undas na nasa 50,000.
Bukod sa mga sementeryo, mayroon ding mga pulis na itatalaga sa mga bus terminal at iba pang transportation hubs sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.
