![]()
Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bohol ang pagdedeklara ng State of Calamity bunsod ng epekto ng Super El Niño.
Ito ay makaraang umakyat na sa ₱360.8 million ang halaga ng pinsala sa pananim na nakaapekto sa 15,000 na magsasaka.
Ayon kay Governor Erico Aristotle Aumentado, sa pamamagitan ng deklarasyon ay makakapagpalabas ng mga pondo para sa tulong sa mga apektadong sektor.
Sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, inaasahang makakaranas ng dry conditions ang Bohol hanggang sa pagtatapos ng December, habang ang drought condition ay inaasahan mula Enero hanggang Abril.
Patuloy naman ang assessment ng provincial government sa agricultural damage upang matukoy ang lawak ng pinsala.
