dzme1530.ph

COMMITMENT NG CHINA SA PAGBALANGKAS NG CODE OF CONDUCT SA SOUTH CHINA SEA, HINDI NAGBABAGO

Loading

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro na nananatili pa rin ang commitment ng China na makumpleto ang Code of Conduct sa South China Sea.
 
Kasabay nito, nagbabala na anumang pagpapalit sa posisyon ay posibleng magdulot ng kalituhan sa mga miyembro ng ASEAN.
 
Kaya naman, sinabi ni Lazaro na hindi kailangang madismaya sa hindi pa natatapos na pagbalangkas ng Code of Conduct.
 
Ipinaliwanag ng kalihim na kailangan lamang ng dagdag pang panahon para rito, subalit ipauubaya na niya ito sa Singapore bilang susunod na chair ng ASEAN.
 
Pero kung mabibigyan aniya sila ng lima hanggang anim pang buwan ay posibleng matapos ang pagbalangkas ng Code of Conduct.

About The Author