dzme1530.ph

MGA IHAHARAP NA TESTIGO NG DEFENSE TEAM SA IMPEACHMENT TRIAL NGAYONG LINGGO, NAISYUHAN NA NG SUBPOENA

Loading

KINUMPIRMA ngt Impeachment Court na naisyuhan na ng subpoena ang apat na testigo ng depensa na ihaharap sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Huwebes at Biyernes, November 19 at 20.
 
Ayon kay impeachment clerk of court Secretary Renato Bantug, nailabas na ang subpoena sa pamamagitan ng electronic mail.
 
Ang mga pina isyuhan ng subpoena ng defense team ay sina Atty. Rainer Dela Fuente ng AML Consulting PH; Dr. Ceferino Rodolfo, undersecretary ng Department of Trade and Industry , Pilar Marilyn Pagayunan, MBA, Director IV ng Food and Drug Administration at Rowena Mendoza ng Center for International Trade Expositions and Missions
 
Pinahaharap ang mga ito sa paglilllits sa November 19 at 20 at pinasusumite sa kanila ang ilang kaukulang dokumento
 
Pagkatapos ng dalawang araw na paglilitis ngayong linggong ito, ititigil muna ang impeachment hearing hanggang sa December 3 dahil makapagpokus ang Senado sa plenary deliberation at pagpapasa sa panukalang pambansang budget para susunod na taon.

About The Author