![]()
Nananatili pa sa kustodiya ng Southern Police District ang 200 protesters na inaresto sa rally laban sa Pax Silica Initiative sa Muntinlupa City.
Ayon kay SPD Director, Police Brig. Gen. Rodel Pastor, isasailalim pa sa inquest proceedings ang mga raliyista.
Ang mga ito ay bahagi ng Lakbayan ng Timog Katagalugan na dinala sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan para iproseso at sa documentation.
Sinabi ni Pastor na ang mga minors ay ita-turn over sa Department of Social Welfare and Development.
Pinuna naman ng National Union of People’s Lawyers ang hindi agad pagbibigay ng access ng pulisya sa mga abogado ng mga inaresto.
Sinabi ni Atty. Katherine Panguban ng NUPL, may permit man o wala, bahagi pa rin ng karapatan ng sinuman ang freedom of expression at freedom of assembly.
