dzme1530.ph

Long weekends, nakatulong upang mapalakas ang lokal na turismo, ayon sa DOT

Nakatulong ang idineklarang long weekends ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon sa pagtaas ng bilang ng domestic travelers at mga negosyo sa tourist spots.

Ito ang inihayag ni Dept. of Tourism Sec. Christina Frasco kasabay ng pagpapasalamat sa suporta na ipinamalas ng Pangulo at ng ating kababayan sa sektor.

Kaugnay nito, inaasahan ng Kalihim na madaragdagan pa ang bilang ng foreign visitors sa bansa na kasalukuyang nasa halos limang milyon.

Nabatid na nag-ambag ng mahigit P400-B ang sektor ng turismo sa ekonomiya ng bansa sa unang 10-buwan ng taong ito. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author