dzme1530.ph

Lokal na Pamahalaan ng Malay, Aklan, nagpaalala sa publiko na bawal ang mga party sa Boracay sa Good Friday, Black Saturday

Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang publiko na bawal magsagawa ng mga party at magpatugtog ng malakas sa Boracay sa Biyernes Santo.

Batay sa Memorandum Order na inilabas ni Malay Vice Mayor Niño Carlos Cawaling, mula alas-6 ng umaga ng Good Friday (April 7) hanggang alas-6 ng umaga ng Black Saturday (April 8) ipinagbabawal ang mga nasabing aktibidad.

Ayon pa sa Bise Alkalde, inatasan niya ang Business Permits and Licensing office na huwag mag-issue ng special permits para sa pagsasagawa ng mga party sa isla.

Samantala, papayagan naman ang mga nasabing aktibidad hanggang Maundy Thursday (April 6) at magpapatuloy ng Black Saturday.

About The Author