Tinanggal sa serbisyo ang limang traffic enforcers ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa nag-viral na insidente sa Panglao, Bohol.
Sa press conference, kanina, inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na epektibo ngayong lunes ay sibak na sa serbisyo ang naturang law enforcers.
Ipinaalala ni Dizon na silang mga nasa gobyerno ay dapat magsilbi sa mga tao, at hindi dapat umakto na tila panginoon.
Batay sa viral video, isang lalaking sakay ng motorsiklo ang “inaresto” ng LTO employees sa isang operasyon noong biyernes.
Hinarang at pinuwersa ng LTO personnel ang rider para pababain ng motorsiklo, habang sumisigaw ang lalaki na isa itong magsasaka kaya mayroon siyang dalang bolo.