dzme1530.ph

PONDO SA ILANG AYUDA PROGRAMS, TINAPYASAN

Loading

KINUMPIRMA ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na tinapyasan nila ang pondo para sa Assistance to Individuals In Crisis Situation o AICS program at Medical Assistance Program ng Department of Health sa ilalim ng 2027 national budget.
 
Sinabi ni Ejercito na, tinanggalan nila ng tig-P9.9 billion o kabuuang P19.8 billion sa dalawang ayuda programs at inilipat nila ito sa subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.
 
Aabot na anya sa P94.2 billiomn ang inendorso nilang subsidiya sa Philhealth na mas mataas sa ibinigay ng Kamara na P73 billion.
 
Binigyang-diin ni Ejercito na isinusulong nila ang mas malaking Philhealth subsidy, gayundin ng dagdag na pondo sa Zero Balance BIlling, preventive care, immunization at health promotion program.
 
Bukod pa anya ito sa dagdag na pondo para sa mga provincial at locally funded health facilities.
 
Muli namang tiniyak ni Ejercito na tatangalin nila sa budet ang mga infrastructure projects na may red flags.
 
Patuloy din anya ang koordinasyon nila sa mga Non Governmental Organization na nagbabantay sa panukalang budget.

About The Author