dzme1530.ph

LA Tenorio, na-diagnose na may Stage 3 Colon Cancer

Ibinunyag ni LA Tenorio na mayroon siyang Stage 3 Colon Cancer.

Sa statement, inihayag ng Barangay Ginebra Star na sasailalim siya sa gamutan sa mga susunod na buwan matapos ma-operahan noong nakaraang linggo.

Humingi ng paumanhin si Tenorio sa paggamit sa injury na tinamo niya sa finals noong Enero sa Commissioner’s Cup bilang dahilan ng kanyang biglaang absence.

Sa ngayon, sinabi ni Tenorio, na ipinauubaya niya ang lahat sa Panginoon, kasabay ng paglilinaw na hindi pa siya magreretiro sa basketball.

About The Author