![]()
“Bisyo na ito.”
Ganyan inilarawan ni Manila Cong. Benny Abante Jr. ang testimonya ni Gina Acosta, hinggil sa paghawak at paggasta ng confidential funds ni VP Sara mula Davao City hanggang OVP.
Dahil dyan, nanawagan si Abante sa Commission on Audit na silipin ang posibleng ‘fraud audit’ sa confidential funds ng Davao City mula 2016 hanggang 2022 na umaabot sa P2.697-B.
Katwiran ni Abante, inamin ni Acosta na ang sistema sa Davao City sa disbursement at reporting ng confidential funds ay siya ring sistema sa OVP at posibleng maging sa DepEd.
Ayon sa kongresista, parehas ang SOP, parehas ang SDO at ang highest official mula Davao hanggang DepEd at OVP.
Kung may audit fraud na nakita ang COA sa OVP at DepEd, marapat din umano na suriing mabuti ang confidential funds ng Siyudad ng Davao.
Sa mismong record ng COA, ang Davao City ay may P2.697-B confidential funds sa anim na taong mayor (2016 to 2022) si VP Sara.
