dzme1530.ph

DOH, HANDA SA POSIBLENG PAGLOBO NG KASO NG DENGUE

Loading

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan sa posibleng pagdami ng kaso ng dengue ngayong wet season sa bansa.
 
Sinabi ni Health Secretary Edwin Mercado na mayroon silang stock ng supplies na kailangan sa dengue cases, partikular para sa kanilang blood banks at laboratory testing.
 
Ayon kay Mercado, simula Enero hanggang kahapon ay mayroong mahigit 111,000 na naitalang dengue cases sa bansa.
 
Aniya, mas mababa ito ng 27% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author