Hindi kayang pigilan ng anim na autoimmune diseases ang kagustuhan ni Kris Aquino na bumalik sa trabaho, sa kabila ng kanyang ongoing health battle.
Ito ang inanunsyo ng writer-editor na si Dindo Balares nang magbigay ito health update ng kanyang close friend na si Kris, sa pamamagitan ng Instagram.
Sinabi ni Dindo na sinubukang magtrabaho ni Kris noong isang araw subalit napagtanto nila na ang isang araw na trabaho ay tatlong araw na bed rest ang kapalit.
Hindi naman ito nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa ginagawang trabaho ng actress-host.
Noong Valentine’s Day ay nagdiwang ng kanyang 54th birthday si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.