![]()
Inaasahang magsisimula ang Northeast Monsoon o Amihan season sa pagitan ng Oct. 22 hanggang 30 sa gitna ng umiiral na transition ng seasonal wind pattern.
Sa press briefing, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief Ana Liza Solis na sa ngayon ay naoobserbahan ang northeasterly windflow, na nagpapahiwatig na malapit na ang Amihan season.
Aniya, ang normal onset ng Amihan ay sa pagitan ng Oct. 22 hanggang 30, batay sa historical pronouncement sa pagdedeklara ng Amihan season.
Una nang inanunsyo ng PAGASA na opisyal nang nagtapos ang Southwest Monsoon o Habagat sa bansa, at unti-unti nang magbabago ang weather pattern sa Pilipinas.
