dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION, MAGSUSUMITE NG EBIDENSYA LABAN KAY VP SARA DUTERTE NGAYONG LINGGO

Loading

Isusumite ng House Prosecution Panel ang kanilang Formal Offer of Evidence sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong linggo.

Sinabi ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro ng Batangas na sa pamamagitan ng paghahain ng Formal Offer of Evidence, tatapusin ng prosekusyon ang kanilang presentasyon ng ebidensya.

Idinagdag ni Luistro na posibleng mas maaga pa sa deadline sa Biyernes sila makapagsumite.

Sa ngayon ay Article 2 na lamang ang tinututukan ng prosekusyon, kung saan inaakusahan si VP Sara na nagkamal ng hindi maipaliwanag na yaman sa pamamagitan ng mga asset na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay Luistro, mayroong sampung araw ang depensa para magkomento sa Formal Offer ng prosecution bago magpasya ang Senate Impeachment Court sa admissibility ng ebidensya.

About The Author