dzme1530.ph

PAMILYA DUTERTE, INABSWELTO NG DILG SA NABIGONG DRUG SHIPMENT MULA SA LAOS

Loading

Inabsuwelto ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pamilya Duterte sa nabigong drug shipment mula sa Laos.

Sinabi ni Remulla na walang kaugnayan ang mga Duterte sa napigilang pagtatangka na mag-smuggle ng ilegal na droga mula sa Laos patungong Mindanao.

Sa naunang report, kilala umano ng pamilya Duterte ang mga indibidwal na sangkot sa tangkang drug smuggling.

Sinubpoena na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang dalawampu’t isang personalidad para magbigay ng impormasyon tungkol sa attempted shipment ng 521 kilograms ng shabu mula sa Laos.

Tinukoy ng DILG chief si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang bilang Mindanaoan politician na umano’y sangkot sa tangkang pag-smuggle ng ₱3.5 billion na halaga ng shabu mula sa Laos patungong Pilipinas.

About The Author