dzme1530.ph

KALINGA BILL, SUPORTADO NG ECONOMIC MANAGERS

Loading

In full support ang mga economic managers sa panukalang Kalinga Bill nina House Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Floor Leader Sandro Marcos.

Ang suporta ay inilahad sa hearing ng House Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Dev’t (LEAD), sa pangunguna ni Ways and Means Chairman Miro Quimbo.

Ang Kalinga o Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo at Goods Assistance ay dinisenyo para sa whole-of-gov’t emergency response framework para sa energy at essential goods supply security, pagkakaloob ng targeted at time-bound assistance sa vulnerable sectors.

Kapag may indikasyon ng krisis, otomatikong ito ay ia-activate.

Kinatigan ito ni DBM Acting Sec. Rolando Toledo at tinukoy ang global disruptions partikular ang Middle East tension na nagdulot ng energy problem at pagsipa ng presyo.

Sa panig ng Department of Finance, mahalaga na ma-institutionalize ang Kalinga kagaya ng Bayanihan laws noong pandemic era, na nagawang i-cushion ng gobyerno ang ekonomiya mula sa fuel-driven inflation at supply shocks.

Para sa Dep’t of Economy, Planning, and Dev’t (DEPDev), sinusuportahan nila ang House Bill No. 8834 dahil palalakasin nito ang kakayahan ng pamahalaan na makatugon ng maayos sa tuwing may krisis.

Maging ang PSB ay naghayag din ng suporta sa Kalinga Bill, subalit binigyang-diin ang pangangailangan ng fiscal discipline at accountability.

About The Author