dzme1530.ph

PAG-ALIS SA VAT SA KURYENTE, SUPORTADO NG DOE SUBALIT KAILANGANG PAG-ARALANG MABUTI

Loading

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang panukalang alisin ang value-added tax (VAT) sa kuryente bilang bahagi ng pagsisikap na ibsan ang pasanin ng consumers.

Gayunman, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ang naturang hakbang ay nangangailangan ng maingat at masusing pag-aaral.

Binigyang-diin ni Garin na ang pagpapababa sa presyo ng elektrisidad ang pangunahing mandato ng kanilang departamento.

Subalit, ang desisyon sa panukala ay wala anya sa DOE, kundi nasa mga kamay ng economic managers at Kongreso, dahil sa malawak na epekto nito sa ekonomiya.

Kahapon ay naghain ng panukalang batas si Senator Risa Hontiveros para sa layuning alisin ang VAT sa system loss charges sa electricity bills.

About The Author