dzme1530.ph

KABATAANG PINOY, HINIMOK NI PANGULONG MARCOS NA SAMANTALAHIN ANG MGA OPORTUNIDAD SA JAPAN

Loading

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataang Pilipino sa Japan na samantalahin ang lahat ng oportunidad na available sa naturang bansa, sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Tokyo, sa pagsisimula ng kanyang apat na araw na state visit.
 
Sa kanyang talumpati, pinayuhan niya ang young Filipino citizens na naninirahan sa Japan na bilang ganti ay mag-ambag sila sa lipunan na itinuring nilang kanila.
 
Sinabi rin ni Marcos na hangad niya ang tagumpay ng kabataang Pinoy sa lahat ng kanilang pangarap sa napiling karera, sa negosyo man, arts, professional arena, service sector, at maging sports.
 
Idinagdag ng Pangulo na ang greatest asset ng mga Pinoy ay ang ating unique identity, kaya hayaan aniyang mangibabaw ang Filipino heritage sa pang-araw-araw na interaksyon.
 
Pinapurihan din ng Chief Executive ang Filipino workers sa Japan, kasabay ng pagtiyak ng suporta mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

About The Author