DZME1530

Boto ng mga kongresista sa pagsususpinde sa kasamahan nitong si Cong. Arnolfo Teves Jr, Unanimous

Nagkaisa ang mga mambabatas sa House of Representatives para patawan ng 60-araw na suspension si 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. dahil sa patuloy na pag-absent sa legislative procedings sa gitna ng expired Travel Authority.

292 na mga mambabatas ang bumoto ng Yes o pumapabor na suspindihan lang si Teves, 0 ang No votes at 0 ang nag-Abstain.

Matatandaang, agad inaprubahan ng House Ethics and Priviledges ang suspension ng makitang Guilty si Teves ng Disorderly Conduct na nakakaapekto sa dignidad, integridad, at reputasyon ng House of Representatives alinsunod sa House Rules.

Samantala, sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, sa kanyang mga kasamahan na hindi kukunsintihin ng Kamara ang mga ganitong pag-uugali o bad conduct, lalong-lalo na sa kanilang hanay.

About The Author