dzme1530.ph

JOSE MARI CHAN AT THE COMPANY, MAGSASAMA PARA SA CHRISTAS CONCERT SA DECEMBER 1

Magsasanibpwersa ang OPM ICON na si Jose Mari Chan at dekalibreng vocal ensemble na The Company para sa christmas concert ngayong Disyembre.
Itinakda sa December 9 ang “Christmas In Our Hearts: Jose Mari Chan In Perfect Company” Concert sa Newport World Resorts sa Pasay City.
Makakasama ni Jose Mari Chan sa concert stage ang The Company members na sina Moy Ortiz, Annie Quintos, Oj Mariano, at Sweet Plantado.
Mabibili na ang tickets na may presyong naglalaro sa 1,500 hanggang 8,000 pesos.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ng The Company ang “Everlasting Love,” “Muntik na kitang minahal,” at “Now That I Have You.”
Si Jose Mari Chan naman ay pumapatok muli ngayong Christmas Season at madalas na namang maririnig ang kanyang Christmas Songs tulad ng “Christmas In Our Hearts”.

About The Author