dzme1530.ph

Isa sa bawat sampung batang Pinoy, mayroong anemia, ayon sa DOST

Isa mula sa sampung batang 6 hanggang 12 taong gulang ang mayroong anemia, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Inihayag ng DOST Food and Nutrition Research Institute (FNRI), na ang national estimate sa anemia sa school-aged children ay 12.11%, batay sa kanilang 2018-2019 expanded national nutrition survey.

Sinabi ng DOST-FNRI na pre-pandemic pa ang huling datos, kaya sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng national nutrition survey na sinimulan nila noong nakaraang taon, upang magkaroon ng updated data sa anemia.

Binigyang diin ng ahensya na ang anemia na isang blood disorder dahil sa pagkakaroon ng mababang red blood cell count ay itinuturing na public health problem of mild significance.

Ang mga anemic ay maaring makaranas ng kakapusan sa paghinga, pagkahilo, pananakit ng dibdib, at fatigue o pagkapagod.

About The Author