dzme1530.ph

Ipatutupad na max. prescribed rates ng driving courses sa Abr. 15, tuloy —LTO

Walang plano ang Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban ang pagpapatupad ng maximum prescribed rates ng driving courses sa buong bansa sa April 15.

Binigyang diin ni LTO chief Jay Art Tugade na hindi maaring i-delay ang bagong polisiya dahil hindi pu-pwedeng maging bingi ang ahensya sa panawagan ng higit na nakararami laban sa napakamahal na bayarin sa mga driving school.

Sinabi ni Tugade na panahon na para maging abot-kaya ng publiko ang pagkuha ng driver’s license nang hindi nako-kompromiso ang kalidad ng pagkatuto ng mga aplikante.

About The Author