DZME1530

5 patay sa salpukan ng bus at truck sa Misamis Oriental

Patay ang lima katao sa salpukan ng pampasaherong bus at truck na may kargang mga isda, sa bayan ng Gitagum, sa Misamis Oriental.

Ayon sa Gitagum Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng mga driver ng nagbanggaang sasakyan at tatlong pasahero ng bus.

13 naman ang malubhang nasugatan, kabilang ang dalawang pahinante ng truck.

Patungo umano ang bus sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur habang papuntang Cagayan De Oro City ang truck nang mangyari ang aksidente sa Barangay Burnay, na batay sa paglalarawan ng mga residente ay accident zone.

About The Author