![]()
Sa week three ng impeachment trial, hinamon ni prosecutor Terry Ridon ang Duterte-Carpio camp na hayaan nang buksan ang tax, bank, at AMLC records.
Giit nito, “Kung wala namang talagang nakatago sa mga records na pinapa-subpoena, ang pinakamagandang course of action ay ibigay na ang mga dokumento sa impeachment trial.”
Ayon kay Ridon, sila naman sa prosekusyon ang mapapahiya kung walang sustansya ang mga dokumentong kanilang hinihingi.
Sa House investigation noong 19th Congress, mahigit P6.7 bilyon na covered at suspicious transactions na konektado sa mag-asawang Sara at Mans Carpio ang kinumpirma ng AMLC.
Ngayong Lunes, inaasahang maglalabas na ng desisyon ang Senate Impeachment Court kung pagbibigyan o hindi ang hiling ng prosekusyon na i-subpoena ang mga nasabing dokumento.
