![]()
Hinimok ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista ang aktor na humanap ng drug rehabilitation sa pamamagitan ng isang Instagram comment.
Nilapag ni Jamie ang komento sa post ni Baron kamakailan habang nagpapa-facial sa isang aesthetic clinic.
Aniya, “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that.”
Burado na ngayon ang naturang komento, pero na-screenshot ito at kumakalat na sa social media.
Nagdulot ito ng espekulasyon sa ilang netizens na posibleng nakararanas ng relapse ang aktor, na dati nang umaming nagkaroon ng problema sa paggamit ng droga at alcohol.
