Nakararanas ngayon ng kakulangan sa suplay ng tubig ang anim na barangay sa Himamaylan Negros Occidental, bunsod ng matinding init dulot ng El Niño phenomenon.
Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Himamaylan, Nabalian, To-oy, Cabadiangan, Buenavista, at Carabalan.
Nabatid na ayon sa PAGASA, tatagal pa ng hanggang Mayo ang El Niño phenomenon habang mararamdaman naman ang La Niña sa hunyo.