dzme1530.ph

Ilan pang senador, buo ang tiwala sa bagong talagang PhilHealth chief

Loading

Tiwala ang ilang senador na gagamitin ng bagong talagang PhilHealth Chief na si Dr. Edwin Mercado ang kanyang expertise sa medical field upang maresolba ang mga problema sa ahensya.

Sinabi ni Sen. Joel Villanueva na kinikilala niya ang napakalaking responsibilidad na nakaatang kay Mercado subalit buo ang kanyang pag-asa na mapaplantsa niya ang anumang gusot ngayon sa PhilHealth.

Partikular aniyang dapat tiyakin ay ang mas maayos na implementasyon ng National Health Insurance Program katumbas ng abot kayang kontribusyon subalit mas malawak na benepisyo para sa mga miyembro.

Sinabi naman ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher “Bong” Go na malaking hamon ang sasaluhin ni Dr. Mercado bilang bagong lider ng PhilHealth sa gitna na rin ng kawalan ng subsidiya ngayong taon.

Subalit buo aniya ang kanyang pagasa na mas magiging mahusay ang liderato ni Mercado at tuluyan nang maipatutupad ang Universal Healthcare Law.

About The Author