![]()
Matapos ilatag ni NBI Senior Agent John Mark Calilung ang pundasyon ng ebidensya kaugnay ng umano’y death threat, patitibayin at palalawakin naman ito ng ikalawang testigo ng prosekusyon na si NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc.
Bagama’t limitado ang impormasyong maaaring ibahagi ng prosecution, sinabi ni House Prosecutor Congressman Chel Diokno na kung si Calilung ang naglatag ng pundasyon, ang kabuuan ng kaso naman ang ilalahad ni Lotoc.
Si Calilung ang nag-authenticate ng video recording at iba pang digital evidence na may kaugnayan sa umano’y banta ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 23, 2024 laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Nakatakdang humarap si Lotoc sa witness stand mamayang hapon sa Impeachment Court upang iharap ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa naturang kaso.
