dzme1530.ph

Ikalawang disqualification case ni Rep. Erwin Tulfo, ibinasura ng Comelec

Loading

Ibinasura ng Comelec ang ikalawang disqualification case na isinampa laban kay senatorial candidate at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo.

Nakasaad sa tatlong pahinang kautusan ng First Division ng Poll body na “resolve to dismiss” ang instant petition.

Batay sa order, nabigo ang petitioner na magsumite ng proof of service ng petisyon na may kumpletong annexes sa respondent o affidavit of service.

Ang ikalawang petisyon ay inihain ng na-disbar na abogado na si Berteni Cataluña Causing at Graft-Free Philippine Foundation Inc. na kinatawan ni Diosdado Villar Calonge.

Una nang ibinasura ng Comelec First Division ang disqualification case laban sa Kongresista, pati na sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo at tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya.  —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author