dzme1530.ph

PISO, SUMADSAD PA SA 29TH RECORD LOW NGAYONG TAON SA 63 PESOS AND 36 CENTAVOS PER DOLLAR

Loading

Patuloy sa pagbaba ang halaga ng piso laban sa dolyar, matapos maitala ang 29th record low ngayong taon.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱63.361 per dollar, na mas mahina ng 27.1 centavos kumpara sa ₱63.09 noong Martes.
 
Binuksan ang palitan ng local currency sa ₱63.01 per dollar at pumalo sa intraday low na ₱63.373 per dollar.
 
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, iniuugnay ang paghina ng piso sa patuloy na paglakas ng dolyar, kasabay ng pagsipa ng presyo ng Brent crude oil ng lagpas sa $110 per barrel kamakailan, matapos atakihin ng Iran ang barko sa Strait of Hormuz.

About The Author