dzme1530.ph

DEFENSE TEAM NI FPRRD, HUMINGI NG PERMISO PARA IAPELA ANG CONFIRMATION OF CHARGES SA ICC

Loading

Humingi ng permiso ang legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) para iapela ang confirmation of crimes against humanity charges laban sa dating chief executive.

Sinabi ni Atty. Nicholas Kaufman na nagkamali ang Pre-Trial Chamber I (PTC I) sa pasya nito na dapat ituloy sa paglilitis ang kaso laban kay Duterte kaugnay ng mga pagpaslang sa war on drugs noong alkalde pa lamang ito ng Davao City at nang maging pangulo.

Binigyang-diin ni Kaufman na gumamit ang chamber ng “flexible” approach sa pag-formulate ng charges at nabigo rin aniya ang PTC I na ipaliwanag ang “reasoned evidentiary basis” sa pagkumpirma ng charges.

Ayon sa defense lawyer, ang mga naturang pagkakamali ay nakaapekto sa pagiging patas at mabilis na daloy ng pagdinig, kaya marapat lamang ang agarang appellate intervention.

Sa ilalim ng ICC rules, walang automatic right to appeal sa desisyon ang mga partido, subalit maaaring humingi sila ng permiso.

About The Author