dzme1530.ph

Human Rights, nagkasa ng imbestigasyon sa pagpaslang sa Radio announcer

Nagsagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilalang “DJ Johnny Walker” ng 94.7 Gold FM Calamba sa Misamis Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na agad naglunsad ng quick response operation ang kanilang tanggapan sa Northern Mindanao para sa Motu Propio Investigation sa karumal-dumal na pagpaslang.

Bukod sa pagtukoy ng motibo sa pagpatay kay Jumalon, tututukan din ng CHR ang mga rekomendasyon upang higit na maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Samantala, nanawagan ang komisyon sa agarang pagkamit ng hustisya at pagpapanagot sa sinumang nasa likod ng krimen.

—Ulat ni Airiam Sancho, DZME News

About The Author