dzme1530.ph

Huling batch ng mga tripulanteng Pinoy mula sa barkong inatake ng Houthi rebels sa Red Sea, nasa Pilipinas na

Nakauwi na sa Pilipinas ang huling grupo ng Filipino crew members ng barkong inatake ng Houthi rebels sa Red Sea noong unang araw ng Oktubre.

Sampung tripulanteng Pinoy ng M/V Minoan Courage ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa pamamagitan ng Etihad, kahapon.

Ayon Department of Migrant Workers (DMW), ang huling batch na dumating ay mula sa 21 Filipino seafarers na lulan ng Greek bulker na inatake ng Houthi rebels habang naglalayag sa Red Sea.

Ang naunang dalawang batch na binubuo ng 11 Pinoy seafarers ay dumating sa bansa noong Oct. 9 at Oct. 13. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News, sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author