dzme1530.ph

HPG Chief, nagbitiw sa pwesto

Pormal nang nagbitiw sa pwesto si Highway Patrol Group (hpg) Head Brig. Gen. Clifford Gairanod matapos kumalat ang video ng isang HPG officer na nanununtok ng isang trainee.

Ito ang kinumpirma ng PNP Public Information Office dahil ayon anila kay Gairanod, magbibigay daan ang kanyang pag-alis sa patas na imbestigasyon sa insidente.

Sa video, pinaluhod ng isang officer ang trainee bago paulit-ulit na sinuntok habang nanunuod ang iba pang mga kasamahan at nagtuturo.

Sinibak na ni Gairanod ang training officer at iba pang staff bago siya nag-resign sa posisyon.

Pinuri naman ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang propesyonalismo ni Gairanod habang si dating Deputy Regional Director Col. Jay Cumigad ang papalit sa posisyon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author