![]()
Posibleng magdesisyon na ngayong araw na ito sa magiging kapalaran ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte ang House Committee on Justice.
Inaasahang magbobotohan ang komite kung may probable cause ang impeachment complaints matapos ang ilang buwang pagtalakay.
Sa pag-aringkada ng hearing ngayong araw na ito, tatalakayin ang sinasabing grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Nag-ugat ang alegasyon sa press conference ng Pangalawang Pangulo noong November 2024 kung saan sinabi na may kinausap na siyang papatay sa tatlong opisyal kung may mangyaring masama sa kanya.
Iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation ang alegasyon.
